Sunday, November 22, 2015

YES - O LITERATURE


Ikaw at Ako sa Ating Pamayanan
Ni: Emeirlyn R. Espinosa

Ikaw at ako, mahalagang bahagi ng ating pamayanan,
Lubos ba nating natatalos ang kanyang mga pangangailangan?
Kung talagang bahagi tayo ng ating pamayanan,
Di dapat natin itong ipagwalambahala at pabayaan.

Ikaw at ako, may tungkuling dapat gampanan,
Sa ikauunlad ng ating minamahal na bayan,
Nakikilala mo ba ang mga tungkuling iyan,
Na may kaugnayan sa ating pamayanan?

Alamin natin ang mga pangangailangan sa ating pamayanan,
Upang maibahagi sa ating sarilii at nang ito ay matulungan,
Sa lahat ng sandali at sa abot ng ating makakayanan,
O, ano ba, sarili mo ba’y iyo nang inilalaan?

Kailangan ng ating pamayanan ang mga kabataang
Tutulong sa pagpapanatili sa kalinisan at kapayapaan;
Kailangan nito ang mabubuting huwaran,
Na siyang kakikitaan ng pagkakaisa at pagtutulungan.

Nakahanda ka bang magbigay ng tulong sa pamayanan?
Nakahanda ka bang may oras na ilaan sa kapaligiran;
Sa pagsasagawa ng mga layuning makatuwiran
Para sa ikapapanuto at ikauunlad ng bayan?

Halina, kabataan, ibahagi ang sarili at katalinuhan
Sa ikapagtatagumpay ng mga gawaing pampamayanan
Upang maging maaliwalas ang ating kinabukasan
Na ating hinihintay at inaaasam.




Penomena
Ni: Jamie A. Cabate

Umiinit na ang mundo,
Bantang panganib sa tao.
Sa kabilang dako’y yelo,
Sing tigas ng mga bato.

Bagyo, lindol at pagbaha.
Lubos na mapaminsala,
Wari’y tao ang may sala
Halina’t tayo’y maghanda.

Hindi man natin naisin,
Kailangan ding harapin.
Pabago-bagong panahon,
Ay nararanasan na ngayon.


YES-O’ng Aktibo
Magandang Kalikasan ang Produkto
Ni:Vanessa Mae P. Canuto

Sa ating paligid iyong mapapansin
Tao, bagay, lugar, hanapbuhay, gawain
Tila obra maestra ng mga YES-O’ng butihin
Bawat aktibidad nila, may dahilan, may layunin.

Paraisong masasabi itong kapaligiran,
Nilalang, pinauunlad ng mga YES-O’ng kabataan
Lahat ng kapapakinabangan
Nirerecycle, dinadagdag sa pondo ng paaralan
Gintong masasabi ang mga kabataan,
Sila ang nangangalaga sa mala berdeng kalikasan.

Biniyayaan ka ng talino upang makiisa sa organisasyong ito
Saganang kalikasan dapat pangalagaan mo
Nang pinaghirapan natin ay hindi maglaho

Tayo ay tao pinili sa lahat ng nilalang
Tayo ay nilikhang mangalaga, mamatnubay
Mag-isip-isip ka, manalangin, magnilay-nilay
Iligtas natin ang inang daigdigan
Kalikasan ating panagutan
TAYO NA, SA YES-O AY MAKIISA!!!

BITCOIN